Defense Secretary Lorenzana, nagpositibo sa COVID-19; naka-schedule na plenary session sa Senado ngayong araw, suspendido!

Kinumpirma ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa isang mensahe ipinaabot ni Lorenzana ang balita na bagama’t fully vaccinated ay tinamaan pa rin ng virus.

Wala naman itong nararamdamang sintomas o asymptomatic at nagdesisyong magpahinga muna atsaka sasailalim muli sa swab test.


Si Lorenzana ay dumalo pa sa pagdinig ng Senado nitong Martes para sa panukalang pondo ng DND sa susunod na taon.

Samantala, dahil naman sa pangyayari ay nagdesisyon na ang Senado na suspindihin ang sesyon ng plenaryo na gagawin sana ngayong araw para sa panukalang pondo ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Education (DepEd).

Hinikayat naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga senador at staff na nakasalamuha ni Lorenzana na sumailalim sa isolation.

Sa Lunes, November 22 na muling ipagpapatuloy ng Senado ang pagdinig.

Facebook Comments