Defense Secretary Lorenzana, naniniwalang nasa loob pa ng main battle area ang Malaysian terrorist Amin Baco

Manila, Philippines – Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nanatili pa rin sa loob ng main battle area sa lungsod ng Marawi si Malaysian terrorist Amin Baco.

Si Baco ang sinasabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na pumalit sa pwesto ng Emir ng ISIS sa South East Asia na si Isnilon Hapilon.

Sa ngayon ayon kay Lorenzana bagamat pinalit sa pwesto ni Isnilon Hapilon si Baco ay hindi maikukumpara kay Isnilon bilang isang high profile terrorist.


Sa ngayon, patuloy pa rin daw ang operasyon ng militar laban sa mga natitirang stragglers sa main battle area sa Marawi.

Facebook Comments