Ipinahayag ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro na gagamitin nila ang lahat ng peaceful option sa pagresolba ng isyu sa West Philippines Sea.
Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa ambush interview ng media sa media reception ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.
Kaugnay pa rin ito ng ginagawang negosasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa code of conduct sa South China Sea.
Binigyang-diin ni Kalihim Teodoro na ang bansa ay umaasa sa mga “good-faith discussions” upang maresolba ang pagkakaunawaan.
Gayunpaman, idinagdag niya na sa kasalukuyan ay wala siyang nakikitang good faith sa bahagi ng China.
Ani Teodoro, bukas ang Pilipinas sa diyalogo kung wala itong bahid ng panlilinlang.
Ito aniya ay sa dahilang ang China ay nakabatay lang sa kung ano ang pinaniniwalaan nito sa isyu.