Monday, February 2, 2026

Defense team ni VP Sara Duterte, handa na sa kaniyang panibagong impeachment case

Hindi na ikinabigla ng legal team ni Vice President Sara Duterte ang panibagong impeachment case na isinampa ng mga militanteng kongresista laban sa pangalawang pangulo.

Sa statement na inilabas ni Atty. Michael Poa, sinabi nito na nakahanda ang depensa na harapin ang mga alegasyon laban kay VP Sara.

Ito ay bastat nasa tamang constitutional processes, at matitiyak ang patas na paglilitis.

Tinukoy rin ni Atty. Poa ang inilahad ng Supreme Court na ang impeachment ay hindi political process.

Sa halip, ito aniya ay dapat na sinusuportahan ng mga ebidensya, standards at due process.

Facebook Comments