
Kinumpirma ng defense team ni Vice President Sara Duterte na naghain sila ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Supreme Court.
Kaugnay ito ng proceedings sa House Committee on Justice sa impeachment case ni VP Sara.
Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni VP Sara, layon ng kanilang hakbang na malinawan ang fundamental constitutional questions na sa tingin nila ay kailangan na ng atensyon ng Hukuman.
Nilinaw naman ni Atty. Poa na hindi ito pag-iwas sa proseso, kundi pagtiyak na nasusunod ang Saligang Batas sa pinaiiral na proseso ng Kamara.
Idinagdag ni Atty. Poa na bagamat may kapangyarihan ang Kamara na pangunahan ang impeachment, may limitado aniya ang kapangyarihan ng Mababang Kapulungan.
Facebook Comments










