Defense team ni VP Sara, nakahanda sakaling may isa pang impeachment na ihain laban sa pangalawang pangulo

Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nakahanda sila sakaling may maghain muli ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni VP Sara, maging ang bise presidente ay naninindigan na handa niyang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya, kabilang na ang isyu sa confidential at intelligence funds.

Sinabi ni Poa na nakahanda ang kanilang mga ebidensya na kokontra sa mga akusasyon kay VP Sara.

Muli ring umapela ang kampo ng pangalawang pangulo na igalang ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa impeachment complaint.

Facebook Comments