Thursday, March 26, 2026

Defense team ni VPSD, pabor sa pag-testify ni Ramil Madriaga sa impeachment case ng bise presidente

Pabor ang defense team ni Vice President Sara Duterte (VPSD) sa posibleng pagtestigo ni Ramil Madriaga sa impeachment case laban sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Atty. Michael Poa, mas mainam na makapag-testify sa trial si Madriaga na dating aide ng pangalawang pangulo, para mapabulaanan nila ang mga akusasyon nito laban kay VP Sara.

Gayunman, sinabi ni Poa na kailangang mag-testify si Madriaga sa tamang forum kung saan ito ay sa Senado at hindi sa Kamara.

Pabor din ang legal team ni VP Sara na maisailalim sa protective custody ng Kamara si Madriaga para matiyak ang kaligtasan nito.

Facebook Comments