Manila, Philippines – Very thankful ngayon ang aktres na si Valerie Concepcion matapos itong makapagtapos sa kolehiyo.
Nabatid na kumuha ng kursong bachelor of Arts in Psychology si Valerie sa Arellano University kung saan sa kanyang instagram post, pinasalamatan nito ang kanyang mga mahal sa buhay, mga propesor at naging mga kaklase.
Ayon kay Valerie, hindi naging hadlang ang pagpasok niya sa showbiz para hindi matapos ang pag-aaral at dream come true para sa kaniya na magkaroon ng degree sa pag-aaral.
Umaasa naman si Valerie na magiging good example daw siya sa kaniyang anak na si Heather Fiona na nasa high school na ngayon.
Facebook Comments