Manila, Philippines – Hindi tumitigil ang Department of Education (DepEd)
sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Kabilang dito ang pagkamit
ng nararapat na bilang ng mga magaaral na tututukan ng isang guro sa loob
ng classroom.
Ito ang sinabi ni Education Secretary for Planning and Field Operations
Jesus Mateo.
Ayon kay Mateo, mayroon ng improvement ang teacher- pupil ratio sa bansa.
Kung ikukumpara aniya sa dating 1 teacher is to 45 pupil, ngayong school
year 2017-2018, nasa 1:31 sa elementarya, 1:36 sa Junior High at 1:31
naman sa Senior High.
Ayon kay Mateo, bukod sa pagre-reduce ng class size, pinagiigting rin ng
DepEd ang pagpapatayo ng mga multi-story school buildings, at pagkakaroon
ng mga shuttles services para sa mga magaaral, sa tulong ng mga LGUs.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>