DEKALIDAD NA BAYONG, LIKHA NG MGA PDL NG ALAMINOS CITY

Sa likod ng mga rehas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Alaminos City, isang kahanga-hangang proyekto ang binibigyang-pansin—ang paggawa ng mga de-kalidad na bayong ng mga Person Deprived of Liberty (PDL).

Sa pamamagitan ng livelihood program na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makapagtrabaho at muling mabuo ang kanilang tiwala sa sarili.

Ayon kay Acting Jail Warden, Jail Senior Inspector Marlon C. Niturada, nakagagawa ang mga PDL ng humigit-kumulang 60 piraso ng bayong kada linggo. Ang mga ito ay ibinebenta sa mga residente ng Alaminos at mga turistang dumarayo sa lungsod.

Matatagpuan rin ang produkto ng mga PDL sa Alaminos Convention Center. Bukod dito, inaasahang maglalagay din ng mga karagdagang bayong sa Lucap Wharf upang mas marami pa ang makakabili at makakita ang kanilang mga obra.

Kabilang pa sa kanilang mga produkto ang wood carving, wine wrap, bangus display, rug making, at maging ang paggawa ng kabaong.

Ang pagsuporta sa mga produktong ito ay pagpapakita ng pagtitiwala sa kanilang kakayahan at pagbabago.

Ang kanilang mga produkto ay patunay na kayang magsumikap kahit pa NASA loob ng rehas nang makamit ang bagong Simula. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments