Dekalidad na kalusugan ng mamamayan, prayoridad ng DOH

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health sa publiko na ipupursige nila ang maayos na sistema ng pagbibigay ng health service.

Sa ginanap na turn over ceremony sa tanggapan ng DOH sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroon ng malaking pondo ang kagaearan para magampanan nito ang tungkulin sa sambayanang Filipino.

Nabatid na mayroon kabuuang 165 bilyong piso pondo ang Kagawaran ngunit hinamon ni Duque ang lahat ng kawani at opisyal ng DOH na makiisa sa pagbibigay ng isang dekalidad na serbisyo sa taongbayan.


Giit ng kalihim na umaakyat na sa ikatlong antas ng Performance Governance System ang DOH pero naantala ito noong mga nakalipas na taon kaya ito ay muling bubuhayin ng Kagawaran at ipagpatuloy ang lahat ng mga magagandang programa na sinimulan ni outgoing DOH Secretary Paulyn Ubial.

Facebook Comments