Deklarasyon ng Kamara para sa nabakanteng posisyon ni dating Congressman Teves, hinihintay na lamang ng COMELEC

Hinihintay na lamang ng Commission on Elections (COMELEC) ang abiso ng Kamara na nagsasabing bakante na ang posisyon sa pagka-kongresista ng 3rd District ng Negros Oriental bago magsagawa ng special election.

Ito ay kasunod ng pagpapatalsik ng Kamara kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr., bilang mambabatas.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa oras na matanggap nila ang komunikasyon mula sa Kamara de Representante ay maaari silang magtakda ng eleksyon para sa bakanteng posisyon.


Dagdag pa ni Garcia, naghihintay na lamang sila ng go signal mula sa Mababang Kapulungan kung magsasagawa ng special election o magtatalaga muna ang Kamara para sa naturang posisyon.

Samantala, sakaling magkaroon ng special elections ay hahanapan naman ito ng pondo ng COMELEC para gastusin sa magiging eleksyon sa Negros Oriental Third District.

Facebook Comments