Deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, hindi na kailangan dahil sa Anti-Terrorism Law

Walang nakikitang pangangailangan sina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson para muling magdeklara ng Martial Law sa Mindanao matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Diin ni SP Sotto, mayroon ng Anti-Terrorism Law para tugunan ang terorismo o mga karahasan sa Mindanao at sa iba pang panig ng bansa.

Paliwanag naman ni Lacson, malakas ang ipinasang Anti-Terrorism Law para sa planning stage pa lamang ay maharang na agad ng security forces ang hakbang ng mga teroristang grupo.


Gayunpaman, ikinakalungkot ni Lacson na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas.

Isinisisi ni Lacson ang pagkabalam nito sa mga inihaing petisyon para harangin ang pagpapatupad ng Anti-Terror Law.

Sa lahat ng kritiko ng batas, sinabi ni Lacson na ang bombing incident sa Jolo, Sulu ay patunay na ang mga terorista ay walang kinikilalang timing at limitasyon sa pagsasagawa ng karahasan.

Facebook Comments