Deklarasyon ng State of Calamity dahil sa ASF, makatutulong sa mga apektadong LGUs

Layon nang pagdedeklara ng State of Calamity sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa African Swine Fever (ASF) na matulungan ang mga lokal na pamahalaan na masolusyunan ang kawalan ng suplay ng baboy sa merkado.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa pamamagitan kasi ng nasabing deklarasyon ay pwedeng gastusin ng mga apektadong Local Government Units (LGUs) ang kanilang calamity fund.

Ayon kay Roque, kapag wala kasing ganitong deklarasyon ang Pangulo ay magiging mabusisi ang paggastos ng public funds at matatatagalan ang pag-re-release ng pondo.


Aniya ang pag-re-repopulate ng mga baboy ang dapat na pagtuunan ng pansin.

Ang mga baboy na mula sa ibang rehiyon na ASF-free ang dapat na isuplay dito sa Metro Manila upang hindi sumipa ang presyo nito sa merkado.

Hindi rin pupwedeng umasa tayo sa pag-aangkat nang sa ganon ay may kabuhayan din ang mga local hog producers.

Iiral ng isang taon ang State of Calamity dahil sa ASF maliban na lamang kung ito ay i-lift ng Pangulo.

Facebook Comments