Deklarasyon ng state of calamity sa Luzon, mapapabilis ang relief at rehab efforts – NDRRMC

Mapapabilis ng deklarasyon ng state of calamity sa Luzon ang relief at rehabilitation efforts sa mga lugar na naapektuhan ng tatlong magkakasunod na bagyo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Peter Paul Galvez, mas mapapalakas nito ang kooperasyon sa rebuilding efforts kabilang ang partisipasyon ng pribadong sektor at international humanitarian assistance groups.

Magagamit din ng mga Local Government Units (LGUs) ang pondo para sa kanilang muling pagbangon.


Makokontrol din ang presyo ng mga pangunahing produkto.

Bukod sa pagkain, sakop din ng price freeze ang mga materyales na gagamitin sa rehabilitasyon lalo na sa pagtatayo ng mga nasirang bahay.

Facebook Comments