MANILA – Maari pang tumagal ng anim na taon ang ideneklarang State of Lawlessness sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon sa Pangulo – hindi niya aalisin ang naturang deklarasyon hangga’t hindi natatapos ang giyera kontra sa iligal na droga.Matatandaang ideneklara ng Pangulo ang State of Lawlessness noong Setyembre matapos ang pambobomba sa night market sa Davao City.Pero, kahit umiiral ang State of Lawlessness, wala namang balak ang Pangulo na suspendihin ang writ of habeas corpus.Paliwanag ng Pangulo, kailangan lang niyang magdeklara ng State of Lawlessness para maipatawag ang militar at tumulong sa pulis para labanan ang iligal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.
Facebook Comments