Deklarasyon ng State of National Emergency dahil sa ASF, inirekomenda ng Senate Committee on Agriculture

Inirekomenda ng Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar ang pagdeklara ng State of National Emergency dahil sa African Swine Fever o ASF.

Isinulong ito ni Senator Kiko Pangilinan sa pagdinig ng komite at sinegundahan ni Senator Nancy Binay.

Layunin nito na sa halip pautangin ay maglalaan ang gobyerno ng tulong pinansyal sa mga magbababoy na apektado ng ASF.


Ang rekomendasyong ito ng komite ay ipaparating sa Malacañang sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments