Deklarasyon ni dating Senator ‘Bongbong’ Marcos na tumakbo sa pangkapangulo, binatikos ng ilang grupo

Binatikos ng ilang grupo ang deklarasyon ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 national election.

Banat ng 1Sambayan Coalition, nagtatangka si Bongbong na baguhin ang kasaysayan at baliktarin ang mga naganap sa mahigit 21 taong pamumuno ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Paliwanag naman ni Bayan-Muna Chairman Neri Colmenares, kung nilalayon ni Marcos na ibangon ang bansa ay dapat kilalanin muna ng pamilya nito ang kasalanan nila sa bayan.


Habang mariin ding kinondena ng grupong karapatan ang balita at sinigurong haharangin nila ang anumang pagtatangka ng mga Marcos na makabalik sa kapangyarihan.

Pumapangalawa sa isang survey sa pagkapangulo ang 64-anyos na si Bongbong kasunod ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments