Dekriminalisasyon sa libel, muling inihain sa Kamara

Muling inihain sa Kamara ang panukalang batas na nagde-decriminalize sa libel case.

Sa House Bill 1769 na inihain ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro, ay pinapaamyendahan ang walong artikulo sa ilalim ng Revised Penal Code na nagtuturing sa libelo na isang krimen.

Giit sa panukala, ang nasabing batas ay patuloy na banta sa ‘press freedom’ ng bansa.


Tinukoy pa na nagagamit na madalas ng mga public officials at public figures ang naturang batas para patahimikin ang mga ‘independent media’ upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kritikal na pag-uulat.

Binigyang diin ni Castro na ang malayang pamamahayag ay isa sa mahahalagang component ng isang demokratikong lipunan at sa halip na protektahan ang karapatan na ito, ginagamit pa ng gobyerno ang batas na lumilikha ng ‘chilling effect’ sa media at sa mga tao na pumipigil sa kanila na magsalita laban sa mga anti-people policies ng pamahalaan.

Facebook Comments