Hinimok ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na ang 2012 arbitral ruling naipanalo ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Del Rosario – dapat nang i-ungkat ni Pangulong Duterte sa China ang desisyon ng arbitral tribunal.
Aniya, kapansin-pansin na sinusubukan muli ng China ipatupad ang tila “excessive” at “unlawful” claim nito sa WPS.
Dagdag pa ni Del Rosario, nagiging agresibo na rin ang mga hakbang nito lalo na ang mga presensya ng mga barko nito malapit sa Pag-asa Island.
Nitong nakaraang buwan, nagsampa ng kaso si Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa crimes against humanity.