Hinimok ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa sa West Philippines Sea, pangako man o hindi sa kanyang presidential campaign noong 2016.
Ito ang sagot ni Del Rosario sa sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang ipinangako noong kampanya na babawiin niya mula sa China ang West Philippines Sea.
Ayon kay Del Rosario, tungkulin ng isang Pangulo sa ilalim ng Konstitusyon na protektahan ang anumang pag-aarin ng Pilipinas.
Kinuwestyon ni Del Rosario ang patuloy na pagtatanggol ni Pangulong Duterte sa China lalo na sila ang lumabag sa United States brokered agreement at nag-ookupa ngayon sa Panatag Shoal.
Panawagan pa ni Del Rosario kay Pangulong Duterte na huwag ipagpalit ang mga lupa at tubig para sa mga inaalok ng China.