Del Rosario, Morales kinasuhan si Xi Jinping sa ICC; PRRD, walang nakikitang problema rito

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang isinampang reklamo ng dalawang dating opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping.

Sina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay nagsumite ng communication sa ICC bilang kinatawan ng mga Pilipinong mangingisda na inaapi at naha-harass ng China.

Ayon kay Pangulong Duterte – isang demokratikong bansa ang Pilipinas kaya sinuman ay maaaring magsampa ng kaso laban kaninuman.


Pero magiging isyu aniya na lamang dito ay ang jurisdiction dahil hindi miyembro ng ICC ang China.

Nabatid na tuluyan nang umalis ang Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa ICC kasunod na rin ng isinasagawang preliminary examination nito sa war on drugs ng administrasyon.

Facebook Comments