Del Rosario, pinuna ang pagkakastigo ng Duterte Administration sa mga Pilipinong ipinaglalaban ang soberenya ng bansa mula sa China

Nagtataka si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario kung bakit ang mga Pilipinong ipinaglalaban at ipinagtatanggol ang Pilipinas ang kinakastigo ng Duterte Administration sa halip na habulin ang China na kinakamkam na ang mga isla at karagatang pagmamay-ari ng bansa.

Tugon ito ni Del Rosario matapos siya at si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio patutsadahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kanilang puna sa tila mahinang aksyon ni Pangulong Duterte sa West Philippines Sea.

Sa kanynag open letter kay Medialdea, iginiit ni Del Rosario na dapat pangunahan ni Pangulong Duterte na ipaglaban ang soberensya ng bansa dahil nakamandato ito sa ilalim ng Konstitusyon.


Mula nang manalo ang Pilipinas sa The Hague Tribunal noong 2016, isinantabi ito ni Pangulong Duterte dahil sa takot na madismaya ang China.

Binigyang diin ni Del Rosario na ang kinikilala ng ibang mga bansa ang Arbitral ruling bilang bahagi ng international law, kinabibilangan ito ng Estados Unidos, Japan, Australia, France, Germany, European Union, Canada, United Kingdom, at iba pang mga bansa.

Iminungkahi rin ni Del Rosario na magpasa ng kaso ang Pilipinas sa United Nations General Assembly para pilitin ang China na sundin ang rule of law.

Facebook Comments