Para kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na isang pambansang trahedya ang pagturing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 Arbitral Ruling bilang “isang pirasong papel na itinapon sa basurahan”.
Ayon kay Del Rosario, napanalunan ng Pilipinas ang nasabing tribunal ruling laban sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.
Iginiit niya na “valid” at “binding” ang ruling at dapat itong ipatupad.
Nakasaad din sa 1987 Constitution na tungkulin ni Pangulong Duterte na ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea at ipatupad ang arbitral award laban sa China.
Facebook Comments