Dela Rosa, gustong paimbestigahan ang recruitment ng minors sa mga leftist group

148
Image via Ronald "Bato" Dela Rosa Official on Facebook

Naghain ng resolusyon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa para imbestigahan ang recruitment ng mga menor de edad sa leftist groups.


Ayon kay Dela Rosa, may mga magulang na nagreport sa kaniya tungkol sa mga batang nawawala dahil umano sa pag-recruit ng ‘left’ organizations.

“An investigation on this case could ferret out the truth and in the end we could also recommend actions that will ensure the peace in the country as well as protect and preserve the welfare of our children,” ani Dela Rosa.

Dagdag ni Dela Rosa, inireport ding sa kaniya na mayroong inirerecruit na mga batang sampung taong gulang lamang.

Kinondena naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang New People’s Army (NPA) sa pagrecruit ng mga underage sa kanilang samahan.

Hinikayat niya rin ang kabataan na huwag maniniwala sa kabulaanan ng mga rebelde.

Facebook Comments