Delay sa sahod ng mga nagtatrabaho sa DepEd TV, sisiyasatin ng Kamara

Pinasisilip ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagkaantala sa kompensasyon ng media at production workers na nagtatrabaho sa “DepEd TV.”

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Ferdinand Gaite, hindi bababa sa 400 na creatives at media workers ang lumapit sa Makabayan Bloc para idulog na wala pa silang natatanggap na sweldo o bayad para sa mga ginawang episodes mula nang magsimula ang DepEd TV noong September 2020.

Sa House Resolution 1662, hinihimok ng Makabayan Bloc ang House Committee on Labor and Employment na silipin ang reklamong ito “in aid of legislation.”


Partikular na pinasisiyasat dito ang mga posibleng paglabag sa labor standards sa ilalim ng nasabing proyekto.

Ang DepEd TV ay binuo para sa distance learning system ng mga estudyante, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments