Delayed honeymoon ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, natuloy na!

Natuloy na rin sa wakas ang delayed honeymoon ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinunyag ng kanilang kaibigan na si Dra. Vicki Belo sa kaniyang Instagram account kung saan pinost nito ang picture ng mag-asawa kasama ang kaniyang anak na si Scarlet Snow Belo.

Bagama’t hindi sinabi nito kung saan ang naging honeymoon ng dalawa, nag-post din ito ng larawan kuha ang binti ni Sarah, Matteo at ni Scarlet snow habang nasa motor boat.


Sa kabila ng community quarantine na ipinatupad, higit na mas nakilala naman daw ng mag-asawang Guidicelli ang isa’t isa.

Facebook Comments