DELAYED PROJECTS | Economic officials ng Pangulong Duterte, humingi ng pasensya

Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa at pasensya ang economic officials ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil maaantala ang ilang proyekto sa ilalim ng ₱8.4 trillion infrastructure program.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, mula nang pumasok sila ay walang nakalatag o pipeline ng mga proyekto.

Kaya bumubuo sila ng sarili nilang feasibility studies at matagal na panahon ang kailangan nito.


Sinegundahan ito ni DPWH Secretary Mark Villar – anya, ang kanyang ahensya pa lamang ay gumugol na ng dalawang taon sa pagsasagawa ng pag-aaral sa higit 4,000 proyekto sa ilalim ng build, build, build program.

Para naman kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tiniyak niya na ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito para mapabuti ang sistema ng transportasyon ng bansa.

Facebook Comments