Bumisita sa Lingayen ang isang delegasyon mula sa National World War II Museum bilang bahagi ng taunang WWII in the Philippines tour.
Ang grupo, na binubuo ng mga historyador, opisyal, at mga kaanak ng beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay kabilang sa tour na pinangungunahan ng Philippine World War II Memorial Foundation.
Sa kanilang pagbisita, nilibot ng delegasyon ang makasaysayang Lingayen Beach, ang mga landing markers, at ang gusali ng kapitolyo ng Pangasinan upang higit na maunawaan ang mahalagang papel ng lalawigan sa panahon ng digmaan.
Ayon naman sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, patuloy na pinangangalagaan at ibinabahagi ng Pangasinan ang mga kuwento ng katapangan, sakripisyo, at paglaya bilang bahagi ng makasaysayang pamana nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










