Delegasyon ng Pilipinas mula Isabela sa Larong Baseball, Hinirang na 4th Placer sa Japan!

711

Cauayan City, Isabela- Hinirang bilang 4th Placer ang delegasyon ng Pilipinas mula Isabela sa orihinal na 11 delagasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa larong baseball na naganap sa bansang Japan kamakailan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Roderick Gammaru, Head Coach ng Baseball, nagpapasalamat pa rin siya sa suporta ng mga Isabeleno dahil sa nakamit na parangal mula sa nasabing kompetisyon.


Dagdag pa aniya, kakatawan din ang mga Isabeleno baseball team mula Pilipinas para naman sa Asia Pacific Competition na idadaos sa bansang Guam sa susunod na taon.

Bukod dito, sasailalim pa rin sa pagsasanay ang mga delegado upang mas lalong mapagtibay at makamit ang kampeonato para sa bansa.

Idadaos naman ang nasabing pagsasanay sa ginagawang Cauayan City Sports Complex sa Brgy. Tagaran sa nasabing lunsod.

Facebook Comments

From Advertisers