Delegasyon ng Pilipinas sa 110th Session ng ILC, isinusulong ang pandaigdigang panawagan para sa pagsasama ng ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho

Isinusulong ng delegasyon ng Pilipinas sa 110th Session ng International Labor Conference (ILC) sa Geneva ang pandaigdigang panawagan para sa pagsasama ng ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho sa International Labor Organization’s (ILO) Framework of Fundamental Principles and Rights at Work.

Ang Philippine contingent sa ILC, na pinamumunuan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ay may 15-araw para talakayin ang mga pandaigdigang isyu sa trabaho kabilang ang occupational safety and health, apprenticeships, gayundin ang social at solidarity economy.

Nagsimula ang ILC noong May 27 at magtatapos sa June 11 kung saan tinatalakay dito ang social at solidarity economy kasama ang international standardization ng quality apprenticeship, na tinukoy ng ILO bilang makabagong paraan ng technical vocational education and training kung saan pinagsama dito ang combining on-the-job training at off-the-job learning.


Kasama ni Bello ang mga pangunahing opisyal ng Department of Labor and Employment sa labor relations at occupational health and safety clusters na binubuo nina Undersecretaries Benjo Benavidez, Renato Ebarle, Randy Escolango, Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco, Executive Director Noel Binag, at Direktor Ma. Consuelo Bagay.

Kasama rin ang ilang mga kinatawan ng labor group mula sa Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa at Federation of Free Workers, at 13 mula sa Employers Confederation of the Philippines.

Ang isang pinalawak na ILO Declaration on Fundamental Principles and Rights at Work ay inaasahan sa ILC ngayong taon na nananawagan para sa pagsasama ng ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho.

Facebook Comments