Dumating na sa Moscow, Russia ang delegasyon ng Pilipinas sa International Transport Summit.
Sila ay personal na tinanggap ni Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen.
Hindi naman tinukoy ng embahada kung sinu-sino ang mga personalidad na mula sa City of Manila na lalahok sa International Transport Summit.
Ang naturang delegasyon ay unang inimbitahan ng Moscow City Government.
Una nang lumagda ang dalawang bansa sa Moscow-Manila Cooperation Agreement kung saan layon nito ang pagpapalitan ng kaalaman sa larangan ng pagsasaayos ng urban spaces, paglikha ng unified system para sa traffic management, gayundin ang partisipasyon sa seminars, scientific conferences, at practical forums.
Facebook Comments