Delegasyon ng Pilipinas sa U.N. Human Rights Council, binatikos ni Senator De Lima

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Leila De Lima ang delegasyon ng Pilipinas sa Universal Periodic Review (UPR) ng UN Human Rights Council (UNHRC), na pinangungunahan ni senator Alan Peter Cayetano.

Mensahe ni De Lima kay Cayetano – ‘goodluck’, at hindi sana ito kainin nang buhay sa Geneva kung saan ginaganap ang event.

Kapansin-pansin para kay De Lima ang wala sa lugar na pagtatapang-tapangan ng delegasyon ng Pilipinas na niloloko lang aniya ang kanilang mga sarili sa paniniwalang ang mga delegado ng iba’t ibang bansa sa periodic review ay kagaya rin ng kanilang mga panatiko sa Malacañang na madali nilang malinlang.


Ayon kay De Lima, inaakala ng mga ito na kumbaga sa magic, ay bigla lang nilang maitatago ang record ng rehimeng Duterte ukol sa extra judicial killings at pang-aabuso sa karapatang pantao sa paningin ng buong mundo.

Diin ni De Lima, ngayon, ang mga nakikinig kay Cayetano ay hindi mga bayarang trolls sa social media, at burukrasya na binubuo ng mga sipsip kay President Duterte.

Iginiit ni De Lima na mga deligado sa nasabing event ay may mga sariling pag-iisip, at hindi magbubulag-bulagan sa kalagayan ng karapatang pantao sa ating bansa.

DZXL558

Facebook Comments