Delegation sa palarong pambansa 2019 kumpleto na

Sa davao , aabot sa 14-15,000 na mga delegado ang dumating na dito sa Davao City para sa gagawing palarong pambansa 2019.

Sa ginawmg AFP-PNP presser sinabi ni Jenielito Atillo, Spokesperson sa Department of Education o DepEd na kumpleto na ang delegation dito sa Davao kung saan 17 Regions ang maglalaban-laban sa nasabing sports activity.

Dagdag nito na aasahan ang bonggang opening ngayong darating na araw ng Linggo, Abril 28, 2019 sa Davao City UP Sports Complex.


Samantala ayon kay PCPT Ma. Teresita Gaspan, Davao City Police Office o DCPO Spokesperson na nasa 20 personnel ang dineploy sa kada billeting quarter kung saan mahigit 3,000 na mga personahe ang nakadeploy kada araw para masiguro ang kaligtasan ng mga delegado.

Facebook Comments