Delfin Albano, Nagdeklara ng Persona Non Grata Laban sa mga Miyembro ng CPP-NPA

32

Cauayan City, Isabela- Nagdeklara na rin ng ‘persona non-grata’ nitong mga nakaraang araw ang bayan ng Delfin Albano sa Lalawigan ng Isabela laban sa CPP-NPA.

Ang dalawampu’t siyam (29) na Barangay ng Bayan ng Defin Albano, Isabela ay nagkaisang lumagda ng Persona Non Grata laban sa mga kasapi ng CPP-NPA-NDF.


Ibig sabihin, wala ng puwang sa kanilang lugar ang sinumang konektado o kabilang sa armadong grupo.

Resulta na rin ito ng patuloy na pakikipagt-ugnayan ng 95th Infantry Salaknib Batallion sa pamumuno ni LTC Lemuel Baduya, Pinuno ng 95IB sa mga mamamayan sa lugar at kooperasyon ng mga barangay captains at iba pang opisyal ng barangay.

Nanindigan naman ang LnB President na si Hon. Jhay Calaguiran na sila ay katuwang ng kasundaluhan sa pagpapalaganap ng katahimikan at kapayapaan at hindi nila hahayaang makapasok sa kanilang lugar ang mga CPP-NPA.

Kaugnay nito, nananawagan pa rin ang Kumander ng nasabing yunit na bukas ang pintuan ng SALAKNIB Battalion para sa mga nangangailangan lalo na ang mga taong nalinlang ng CPP-NPA na hindi pa bumababa at nagbabalik loob sa gobyerno.



Facebook Comments