Delfin Lorenzana, nagbitiw na bilang Chairman ng BCDA; Thompson Lantion, itinalagang papalit sa pwesto

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Chairman ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) si Ret. Gen Thompson Lantion.

Pinalitan ni Lantion si dating BCDA Chairman Ret. Gen Delfin Lorenzana.

Si Lantion ay tumatayong National Secretary General ng Partido Federal ng Pilipinas.


Nagsilbi rin itong chairman ng Land Transportation Office (LTO) ng administrasyong Arroyo.

Samantala, sinabi naman ni Lorenzana na bumaba siya sa pwesto para tumutok na sa kaniyang pribadong buhay pero tutulong pa rin aniya siya sa pamahalaan sa anumang paraang makakaya niya.

Nagpasalamat naman si Lorenzana kay Pangulong Marcos sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya at kumpiyansang magagampanan ni Lantion ang kaniyang tungkulin.

Facebook Comments