DELIBERASYON NG APATNAPU’T ISANG BARANGAY NA APLIKANTE SA REHIYON UNO PARA SA DRUG-CLEARED STATUS, ISINAGAWA; 471 NA BARANGAY DRUG-FREE NA

Matagumpay na isinagawa ang deliberasyon sa mga barangay na aplikante para makakuha ng drug-cleared status sa Ilocos Region.

Nasa 41 na aplikanteng barangay ang sumailalim sa deliberasyon kung saan ang bayan ng Balungao sa Pangasinan at bayan ng Dingras sa Ilocos Norte ay nabigyan ng Drug-Cleared status, habang apat pang aplikanteng barangay ang ikinategorya bilang mga Barangay na walang presensya ng mga aktibong drug personalities.

Samantala, isinagawa naman ang validation kung saan 471 sa 474 na barangay na idineklarang Drug-Free kung saan ay mas napanatili ang kanilang Drug Cleared Status habang tatlong barangay ang sasailalim pa sa Re-Validation para sa pagkakaroon ng Drug Personalities ayon sa naunang validation ng PRO1 Regional Intelligence Division.

Sa kasalukuyan, ang PNP-PDEA Database ay mayroon lamang 15.55% o 508 mula sa 3,267 barangay sa rehiyon ang nanatiling Drug-Affected. Inutusan ni PBGEN JOHN C CHUA, PRO 1 Regional Director, ang mga Chief of Police at lahat ng line commander na tutukan ang paglilinis sa mga natitirang apektadong barangay sa pamamagitan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Ayon pa kay Chua, kailangan umano ng kapulisan na patuloy na makipag-ugnayan sa mga kasama sa PDEA at sa mga Local Government Units (LGU)s, Non-Governmental Organizations (NGO)s, Civil Society Organizations (CSO)s at Faith Based Organizations (FBO)s para sa pagpapaigting ng mahigpit na pagbabantay sa droga. |ifmnews

Facebook Comments