Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang deliberasyon sa national budget ng administrayong Duterte para sa 2018 na nagkakahalaga ng P3.767 trillion pesos.
Ito ay matapos na sertipikahan ito ni Pangulong Rodrigo bilang urgent.
Kapag certified as urgent ang isang panukala, maaari nang idiretso ang botohan sa 3rd and final reading pagkatapos ng 2nd reading.
Pero ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, saka na nila aaprubahan ang budget sa pinal na pagbasa kapag nai-imprenta na kasama ang lahat nang amendments na maaaring abutin ng isa o dalawang linggo
Malaking bahagi ng 2018 P3.767 trillion ay inilaan sa edukasyon at sa ambisyosong proyektong impraistraktura ng gobyerno.
Facebook Comments