Tinapos na ng Mababang Kapulungan ang interpelasyon sa 2020 national budget ngayong gabi.
Huling sumalang sa debate ng budget ngayong araw ay ang DICT, DOTR, NICA, DBM, KONGRESO AT LUMP SUM.
Wala nang naging pagtatanong sa lump sum kung saan dito ang dapat na maraming katanungan ang mga mambabatas dahil hindi itemized ang mga proyektong paglalaanan dito.
Matapos ang deliberasyon ay nagroll call agad kung saan 272 na mga kongresista ang present ngayong gabi sa plenaryo.
Si Iloilo Rep. Janette Garin naman ang naglahad ng turno en contra sa 2020 budget kung saan hinighlight nito ang ilang mga tapyas sa budget partikular sa kalusugan, edukasyon at sa iba pang social services.
Pagkatapos ng turno en contra ay agad na isasalang sa botohan sa 2nd reading ang P4.1 Trillion national budget kung saan viva voce ang magiging botohan.
Dahil sertipikado ng Pangulo ang 2020 General Appropriations Bill, agad ding isasalang sa 3rd and final reading ang pambansang pondo kung saan nominal naman ang botohan.