Tinapos na ng House Committee on Appropriations ang deliberasyon ng P5.268-Trillion na para sa 2023 national budget.
Huling sumalang sa pagtalakay ay ang budget ng Department of Public Works and Highways at National Commission on Indigenous Peoples.
Inaasahan naman na ihahain ng liderato ng Kamara ang General Appropriations Bill (GAB) sa lunes, September 19.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa isasagawang budget deliberation sa plenaryo na nakaplanong simulan sa Martes, Setyembre 20.
Batay sa plano ng Kamara, aaprubahan nito sa ikatlo at huling pagbasa ang GAB bago mag-adjourn ang sesyon sa September 30.
Facebook Comments