Deliberasyon ukol sa panukalang pagbaba sa age of criminal liability, ipagpapatuloy

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ngayong araw ng Kamara ang deliberasyon hinggil sa panukalang nagpapababa sa age of criminal liability.

Sa ilalim ng panukala o House Bill 505 na akda ni Tarlac Representative Victor Yap, mula 15-anyos ay ibababa sa siyam na taong gulang ang edad ng mga batang maaring nang mapanagot sa batas.

Ayon kay Oriental Mindoro Representative Doy Leachon, chairperson ng House Justice Committee – inaasahang dadaluhan ito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.


Target nilang maisapinal na ang panukala at umaasang maging ganap na batas ito bago matapos ang 17th Congress sa Hunyo 30.

Ang panukala, maging ang House Bill 2009 ni Antipolo Representative Romeo Acop ay nakabinbin sa komite mula pa Hulyo 2016.

Ikinababahala ng mga mambabatas ang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang mga organized syndicated na gumagamit ng mga menor de edad para gumawa ng krimen.

Facebook Comments