Manila, Philippines – Emosyunal na ipinaabot ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang mga kababayan ang pagbibitiw niya sa puwesto.
Sabi ni VM Duterte, nagresign siya dahil sa delicadeza, matapos isangkot ang kanyang pangalan sa smuggling sa Bureau of Customs.
At nitong mga nakaraang araw ay sumambulat din ang away nila ng kanyang anak na si Isabelle dahil naman sa pagpapa-picture nito sa loob ng malakanyang.
Ayon pa kay VM Duterte, inaako niya ang lahat ng responsibilidad sa lahat ng ito na isa aniya sa resulta ng maaga niyang pag-aasawa.
Epektibo kahapon (Dec. 25) ang resignation ni VM Duterte, pero sa kabila nito umaasa siyang muling makakapagsilbi sa bayan.
Facebook Comments