DELICADEZA | Magkakapatid na Tulfo, dapat umalis na sa PTV4

Manila, Philippines – Para kay Senator Francis Kiko Pangilinan, mas mainam kung kusa o boluntaryong aalis na rin sa PTV 4 ang magkakapatid na tulfo para sundan ang yapak ng nagbitiw nilang kapatid na si Tourism Secretary Wanda Teo.

Paliwanag ni Pangilinan, government station ang PTV 4 kaya mas magandang umalis na rin bilang producer at program anchor ang magkapatid na Ben at Erwin Tulfo.

Sarkastiko namang sinabi ni Senator Antonio Trillanes, na maari pa ring magpatuloy ng programa sa PTV4 ang magkapatid na Tulfo.


Pero ayon kay Trillanes, dapat palitan na ang titulo ng kanilang programa at gawing “isumbong mo si Tulfo” at “nabitag si Tulfo.

Samantala, nanawagan naman si Senator Nancy binay Kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga agad ng bagong Tourism Secretary.

Ayon kay Binay, ito ay para hindi maantala ang mga programa ng Dept. of Tourism lalo na ang isinasagawang rehabilitasyon sa Boracay.

Facebook Comments