Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa pag-ako nito ng responsibilidad hinggil sa isyu ng korapsyon sa binitawan niyang tanggapan.
Sa groundbreaking ceremony ng Panguil Bay Bridge (PBB) Project sa Lanao del Norte, sinabi ng Pangulo – sa ilalim ng command responsibility, alam ni Dureza na may pananagutan siya sa pangyayari.
Pinuri ng Pangulo ang pagpapakita ni Dureza ng delicadeza.
Matatandaang sinibak ng Pangulo si Ronald Flores, Undersecretary for Support Services at National Program Manager ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) at Yeshter Donn Baccay, Assistant Secretary for Support Services and PAMANA Concerns dahil sa katiwalian.
Ang mga tanggapang ito ay nasa ilalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP.
Una nang sinabi ng Pangulo na hindi na humiling si Dureza sa kanya ng panibagong posisyon sa gobyerno kasunod ng kanyang pagbibitiw.