Deligado ng Region 2, Handa Na sa Palarong Pambansa!

Cauayan City, Isabela – Inaasahang makakasungkit ng panalo ang mga atleta ng rehiyon dos sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Vigan Ilocos Sur sa darating na Abril kinse hanggang bente.

Ito ang naging pahayag ni DepEd Regional Office ng Education Support Service Division (SSD) Joselito Narag, sa programang Straight To The Point ng RMN Cauayan.

Aniya may mga atleta silang tinututukan na naging maganda ang kanilang record sa nakalipas na CavRRA 2018 na inaasahang magdadala ng magandang pangalan sa rehiyon dos sa Palarong Pambansa 2018.


Iginiit pa ni Narag na malaki ang pag-asa ng region 2 deligates sa kabila na may naging problema ang ilan sa mga atleta, tulad ng dalawang bata na nagka-chicken pox, mayroong isa na hindi nakadalo at ang ilan naman ay hindi agad natutukan ng husto pagkatapos ng CavRRA.

Naging all support naman umano ang lahat ng LGU’s at DepEd Divisions kung saan ay maganda ang lahat at walang problema.

Samantala may kabuuang 618 atleta at coaches na deligado ang region 2 na nagtungo na noong April 9 sa Vigan Ilocus Sur para sa Palarong Pambansa.

Facebook Comments