DELIKADO | 1,000 kahon ng hindi rehistradong katol, nasamsam ng FDA

Pasig City – Nasabat ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasa 1,000 kahon ng hindi rehistradong mosquito repellent o katol sa ilang stalls sa palengke ng Pasig City.

Ayon sa FDA, hindi rehistrado at masama sa kalusugan ang mga kato na kanilang nasamasam lalo na kapag nalanghap ng tao.

Sinasabing mabenta ang mga katol brand na Wawang, Baoma, at Gold Deer dahil mas mura ito kumpara sa iba pero dapat daw ay hindi itong tangkilikin.


Aabot sa halos 1,000 kahon ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P60,000 at inaalam na kung saan nagmumula ang supply ng mga produktong galing China.

Facebook Comments