DELIKADO | DOH, nagbabala sa self-medication

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na nagse-self medication lalo na ang pag-inom ng antibiotic medicines.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – ang pag-inom ng antibiotic medicines na walang preskripsyon ng doktor ay posibleng mauwi sa antimicrobial resistance.

Aniya, sumangguni o kumonsulta muna sa mga pagamutan at kumuha ng tamang reseta.


Siguraduhin din aniya na buoin ang pag-inom ng nireresetang gamot.

Sinabi naman ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines, Dr. Gundo Weiler – itinuturing na complex problem ang antimicrobial resistance kaya kailangang humingi muna ng payo mula sa health care professional bago uminom ng gamot.

Base sa depinisyon ng WHO, ang antimicrobial resistance ay ang hindi pagtalab ng antibiotics, antivirals at antimalarial sa target na microorganism.

Facebook Comments