Manila, Philippines – Nagdeklara na ng leptospirosis outbreak ang Department of Health (DOH) sa ilang barangay sa Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 368 ang nagkakaroon ng leptospirosis sa Metro Manila kung saan 52 na ang nasawi.
Aniya, mas mataas ang bilang na ito kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Dahil dito, sabi ni Dr. Ferchito Avelinoa, OIC ng DOH Epidemiology Bureau na ipag-uutos na nila sa mga ospital sa Mandaluyong, Pasig, Taguig, Parañaque at Quezon City na paigtingin ang kanilang clinical management sa leptospirosis.
Paalala naman ng DOH sa publiko, kung may lagnat na nang dalawang araw lalo na kung lumusong sa baha, agad na kumonsulta sa health center para mabigyan ng agarang lunas.
Facebook Comments