Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong gamot na:
EUROCARBON 300mg charcoal tablets na gamot umano sa poisoning.
Base sa isinagawang post-marketing surveillance activities ng FDA nabatid na hindi dumaan sa registration process ang nasabing gamot at wala din itong Certificate of Product Registration.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009” ang pag-manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, promotion at advertising ng anumang health products na walang tamang otorisasyon mula sa ahensya ay mahigpit na ipinagbabawal.
At dahil sa hindi dumaan sa rehistrasyon ang EUROCARBON 300mg Charcoal tablets hindi matiyak ngayon ng ahensya ang kaligtasan nang sinumang iinom nito.