DELIKADO | Ilang flights sa Indonesia, kanselado sa pagsabog ng bulkan sa Bali Island

Indonesia – Kanselado ang ilang flights sa international airport sa Indonesia.

Ito ay matapos ang nangyaring pagsabog sa bulkan sa Bali Island kung saan na-detect ang mga volcanic ash na delikado kung lilipad ang mga eroplano.

Tinatayang nasa 15,000 pasahero mula sa 280 flights ang stranded sa nasabing paliparan habang hindi pa tiyak kung kailan babalik ang operasyon ng dalawa pang domestic airports sa Indonesia.


Facebook Comments